blog Layouts

    ReaD ON....

Monday, October 15, 2007

Quiapo after a decade

Matagal na akong hindi nakakapunta ng Quiapo, as in super tagal na, kung kelan un last time? hindi ko na maalala basta ang alam malamang e lagpas isang dekada na! malaki na ang pinagkaiba, noon naaalala ko puro damit, pagkain, at kung ano ano pa, pero ngayon bawat lingon ko may nagbebentang pirated cd at mga gamit galing Tsina. nakakatamad na rin dahil naging twice ang dami ng taong nanduon. maputik pa rin at masikip pero may improvements na din kahit papaano.
Kahapon pumunta kami ng aking little brother sa Quiapo to look for PS2 games, syempre ako naman si adik na talagang looking for another version of dance dance revolution, sawa na kasi ako sa ddr supernova ko e, balita ko may supernova 2 na. grrr... after namin maglakad sa putik, maglakad sa ilalim ng init ng araw at last nakarating din kami. pero guess what??? all effort go down to waste, dang! walang ddr na cd grrrrr.... ayun tuloy ang binili na lang namin ay un crush and the titans na lang. ok lang yun game pero d ako excited e kasi naman i really hope to have a new ddr cd. grrrr.... kaya umuwi kaming luhaan. pero dibale nakakain naman kami ng tag 2 sticks ng isaw, pwde na rin, masarap na rin, pero the best pa rin talaga ang fried isaw na nasa kanto ng bahay namin.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger